Makikita natin sa larawang ito na nagtutulungan ang mga
nasalanta na maihatid ang medisina sa mga nasugatan sa nagdaan
na bagyong yolanda .
|
My Blog =)
Miyerkules, Nobyembre 27, 2013
"Karahasan Na Dinulot Ng Bagyong Yolanda"
Linggo, Oktubre 27, 2013
KAHALAGAHAN NG PAMAHALAAN SA PAGTATAGUYOD SA EKONOMIYA
Ano nga ba ang kahalagahan ng pamahalaan sa ekonomiya ?
Ang pamahalaan ay mahalaga sapagkat ito ay isang organisasyon kung saan ay may kapangyarihan upang gumawa ng batas at magpatupad ng batas na siyang nagbibigay ng pangangailangan ng ekonomiya . At ito ay nakakatulong sa ating mga mamamayan upang umunlad sa kahirapan sa tulong ng badyet ng gobyerno.
Ayon sa philstar
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/06/01/948799/editoryal-nakamamanghang-paglago-ng-ekonomiya
mabilis na paglago ng ekonomiya ay dahil na rin sa maayos na paggastos ng gobyerno. Mahusay din daw ang pamumuno at pamamahala kaya marami nang investors ang nagtitiwala sa kasalukuyang gobyerno.

Nakamamangha na pinakamabilis ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. Noong nakaraang taon, 6.6 percent ang inangat nito at marami rin ang namangha. Agad namang ipinagmalaki ni President Aquino ang mabilis na paglago. Hindi raw ganun ang inaasahan niyang paglago na nalampasan pa ang inaasahan.
Napakaganda ng balitang nagpapatuloy ang paglago ng ekonomiya.
Ang aking opinyon tungkol dito ay .
Mahalaga ang papel ng pamahalaan sa pagtataguyod sa ekonomiya dahil ang pamahalaan ang siyang nangangasiwa at lumulutas ng problema ng isang bansa at siyang nagbibigay ng pangangailangan nating mga mamamayan katulad ng paaralan , ospital , pagpapatupad ng batas para sa ikakaginhawa ng ating bansa , pamilihan at tumutulong tuwing may mga kalamidad na siyang kinukuha sa pondo ng ating pamahalaan upang umunlad ang ating pamumuhay at bansa .
Sabado, Oktubre 5, 2013
Ang Aking Bayani ay ang aking INA .
Para sa akin ang bayani sa aking buhay ay ang aking ina . Sapagkat mula palang nung ako'y nasa sapupunan pa lamang niya ay binuhos niya lahat ng pagmamahal para sa akin .
At habang ako ay nagsisimula ng magaral ay andiyan siya para gabayan ako sa aking pagpasok hinahatid niya ako sa eskwelahan upang mapanatili akong ligtas . Lagi niya akong pinapayuhan na mag iingat at kung meron mang nag aaway ay wag akong makikisali dahil baka ako daw ang paginitan . Ramdam ko sa mga sinasabi niya ang pag aalala niya sa akin . Noong nag 1st Year Highschool ako ay di namin inaasahan na mamamatay ang aking ama at naiwan kaming tatlong magkakapatid at ang aking ina . Nagsumikap ang aking ina magtrabaho . naghanap siya ng pwesto para may pagkakitaan at unti unti kaming naitaguyod di rin ito nagtagal dahil nagtataas na ang tuition fee ni ate kaya napagisipan ni mama na ilipat ako ng eskwelahan at sa G.E.A.N.H.S napagisipan nung una ay mahirap sa akin ang paglipat ko noon dahil baguhan lamang ako at wala pang mga kakilala pero ng ngatagal ay masaya pala makisama sa magaaral doon .
Nagpapasalamat ako sa aking ina dahil di siya sumuko upang itaguyod kami kaya hiling ko ay makapagtapos ako ng pag aaral at makapagtrabaho upang masuklian ko ang lahat ng sakripisyo na ibinigay niya sa amin na magkakapatid . Siya ang bayani na nagtaguyod , nagaruga at nagmamahal ng lubos kailanman ay hindi siya humingi ng kapalit sa mga bagay na iginagawa niya para sa amin ang nais lamang niya ay kami ay makapagtapos para magkaroon kami ng magandang buhay hiling ko para sa kanya ay maging masigla siya at huwag susuko sa mga darating na pagsubok sa amin . .
Martes, Setyembre 24, 2013
Ang autoridad .
Ano nga ba ang autoridad ? sa gobyerno ay ito ay ito ang nagsisilbing lakas upang makapag impluwensya sa ating mga mamamayan kung ano ang mga bagay na kailangan natin sundin at kung sino man ang lalabag o magkakasala rito ay kailangan itong panagutan . Sa tulong ng panuntunan ng batas na ang korte lamang ang pwedeng magpataw ng parusa sa mga kriminal .
Bilang magaaral nais kong talakayin kong paano ko nakikita ang autoridad sa pamahalaan , paaralan , lipunan at pamilya ang ibig sabihin ng autoridad .
Autoridad sa pamahalaan base sa aking mga nakikita ay sa tulong ng mga tagapaghukom ay kung sino man ang mapatunayan gumagawa ng di magandang gawain sa ating bansa ay napapatawan ng pagkakakulong katulad nalamang ng isyu tungkol sa napabalitang Pork barrel queen na si Janet Lim Napoles na napatunayang nag aako ng 10 B at may mga kasamahan pa siya na may kinalaman sa isyu na ito .
Autoridad sa paaralan base sa aking nakikita ay ang mga titser ang nagsisilbing autoridad sa paaralan na kung hindi gumawa ang estudyante ng kanilang mga proyekto ay may karampatang itong parusa na dapat ito ay disiplinahin sa tulong ng pagbibigay ng payo upang pag igihan sa susunod na kwarter .
Autoridad sa lipunan base sa aking nakikita ay ang mga pulis ang nagsisilbing autoridad sa lipunan na kung sino man ang mapatunayang may ginawang krimen ay ito rin ay maaaring ikulong at ang pulis ang nagsisilbing gabay natin upang tayo ay laging maging ligtas kapag tayo ay sumunod sa kanila ay hindi tayo mapapahamak.
Autoridad sa pamilya base sa kaing nakikita ay ang ating mga magulang ang nagsisilbing autoridad sa ating tahanan dahil kung may nilabag ka man sa pinaguutos nila ay maari ka namang mapagalitan .
Bilang magaaral sa madaling salita ay napapakita ko ang ibig sabihin ng autoridad sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila dahil sila ang ating lider at di dapat tayo lumabag sa kung anung batas ang kanilang ipapapatupad dahil ito rin ay para sa ating ikakabuti bilang isang mamamayan .

Sabado, Setyembre 7, 2013
Ang Aking Opinyon Sa Mga Kumakalat Na Sex Videos .
Ngayong 2013 ay maraming kumakalat na mga sex scandal at ito ay nakakalungkot na sabihin ang mga lumalabas pa sa mga ito ay ating mga idolo tulad ni Chito Miranda na napabalitang may sex scandal sa kanyang girldfriend na si Neri Naig . Na marami sa ating mga pilipino ay nag kumento tungkol sa isyu na ito
katulad nalang nito .
sabi nila ay respetuhin natin sila dahil sila ay biktima rin sa pangyayaring ito
- unknown
yung iba naman ay sinasabing :
Sasabihin nila na biktima sila kaya irespeto sila . E anong biktima ang sinasabi nila eh ginusto din nila yan . Pano mo naman ibibigay sa isang tao ang respeto kung sila mismo ay walang respeto sa mga sarili nila diba ?
- unknown
sa bawat pilipino na nagkukumento ay may mga punto rin . Paano natin irerespeto ang mga taong sangkot sa sex video na ito eh wala rin silang respeto sa kanilang sarili . Di nila iniisip kung may madadamay at masasaktan sa kanilang gagawing di maganda katulad nalang nang bagong isyu na kumakalat nanaman kasunod ng tungkol sa pork barrel ay bigla nalang itong di na binabalita dahil bagong sa isyu tungkol sa sex video ni Wally Bayola kasama ang isang Eb babe sa eat bulaga na si Yosh Rivera . Na dahil sa balitang ito ay di na muna mapapalabas si wally bayola sa eat bulaga dahil dito . Di natin inaakala na kahit siya ay komedyante eh magagawa rin ang pala bagay na ito . Na sa on cam ay isang taong nagpapasiya ng mga bawat tao ay di pala muna iniisip ang mga bagay bagay bago ito gawin madaming tao ang nasasaktan kabilang na ang kanyang asawa at anim na anak na syempre ay di na muna kayang humarap sa mga tao dahil sa isyu na ito pati kanilang pag aaral ay maapektuhan dahil dito at isa na rin ang career ni wally na kanyang ikinasira dahil dito . Kaya ang aral sa atin ay isipin muna ang mga bagay na ating gagawin dahil sa isang mali mo lang na pag gawa sa mga ito ay maraming maaapektuhan na walang ka malay malay .
at sa mga nagkakalat pa ng mga Sex Scandals ay dapat isipin ang katagang ito "Think Before You Click" dahil may batas laban sa iyong gagawing masama .
Bilang isa sa kabataan na nakakapanuod ng balita sa telebisyon tungkol dito ay marapat na hindi na tayo magtaka o magisip pa na panuodin pa ito dahil maaring ikasira din natin ang pag fofocus sa ating pag aaral ang mabuti pa ay isipin nalang natin ang magandang buhay na gustong makamit sa atin ng ating mga magulang .

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)