Ang pamahalaan ay mahalaga sapagkat ito ay isang organisasyon kung saan ay may kapangyarihan upang gumawa ng batas at magpatupad ng batas na siyang nagbibigay ng pangangailangan ng ekonomiya . At ito ay nakakatulong sa ating mga mamamayan upang umunlad sa kahirapan sa tulong ng badyet ng gobyerno.
Ayon sa philstar
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/06/01/948799/editoryal-nakamamanghang-paglago-ng-ekonomiya
mabilis na paglago ng ekonomiya ay dahil na rin sa maayos na paggastos ng gobyerno. Mahusay din daw ang pamumuno at pamamahala kaya marami nang investors ang nagtitiwala sa kasalukuyang gobyerno.
Nakamamangha na pinakamabilis ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. Noong nakaraang taon, 6.6 percent ang inangat nito at marami rin ang namangha. Agad namang ipinagmalaki ni President Aquino ang mabilis na paglago. Hindi raw ganun ang inaasahan niyang paglago na nalampasan pa ang inaasahan.
Napakaganda ng balitang nagpapatuloy ang paglago ng ekonomiya.
Ang aking opinyon tungkol dito ay .
Mahalaga ang papel ng pamahalaan sa pagtataguyod sa ekonomiya dahil ang pamahalaan ang siyang nangangasiwa at lumulutas ng problema ng isang bansa at siyang nagbibigay ng pangangailangan nating mga mamamayan katulad ng paaralan , ospital , pagpapatupad ng batas para sa ikakaginhawa ng ating bansa , pamilihan at tumutulong tuwing may mga kalamidad na siyang kinukuha sa pondo ng ating pamahalaan upang umunlad ang ating pamumuhay at bansa .