Miyerkules, Nobyembre 27, 2013

"Karahasan Na Dinulot Ng Bagyong Yolanda"


Makikita natin sa larawang ito na nagtutulungan ang mga
nasalanta na maihatid ang medisina sa mga nasugatan sa nagdaan
na bagyong yolanda .

Sa larawang ito makikita natin na gusto ng mag si alisan ang mga nasalanta 

ng bagyong yolanda sa labis na hirap . dahil sa pagkawalan ng bahay , walang makain
at di alam kung papaano babangon muli . at makikita din natin ang lalaki na nagdarasal 
na humihingi ng tulong sa ating panginoon .



SA NANGYARI SA TACLOBAN LEYTE ..

ANO NGA BA ANG DAPAT GAWIN NG PAMAHALAAN . ?

Sa nangyari sa tacloban leyte marami ang nagtataka dahil madaming nag nagsisitulong sa mga nasalanta doon at nagbibigay ng mga relief goods at medisina pero ang ating pamahalaan ay di pa umaaksyon tungkol dito sa kalamidad na ito . Sinisisi pa ng ating pangulong aquino ang local government samantalang ni sarili nga nila ay di nila kayang matulungan . Di ba nila alam na imbis na manisi sila eh dapat gumawa na lang sila ng aksyon ng mabilisan dahil ang pamahalaan ang may kapangyarihan upang kumilos ang kanilang nasasakupan para maihatid ang tulong na dapat nararanasan ngayon ng mga nasalanta . Dahil sa mabagal nilang aksyon ay di na nagkakaroon ng maayos na libing ang mga residente na namatay roon . Gumagawa na lamang ng mass grave upang magkaroon ng maayos na libingan ang mga namatay . Sa katunayan ay mas marami pa ang nagpapasalamat sa ibang bansa dahil sa tulong na iniaabot nito . Hinihiling ng ating mamamayan na sa dami ng donasyon na iniaabot ng ibat ibang bansa ay makarating sa mga nasalanta hindi para ibulsa ng ating pamahalaan sana ay makaresponde na sila para sa muling pagbangon ng resedente sa tacloban .

Ngunit sa kabila naman ng lahat ng nangyari makikita natin at nababalitaan na sa sinapit ng mga taga tacloban ay umaasa at nananampalataya pa din sila .  maraming nagtutulungan na muling makabangon ang mga nasalanta doon . Mapa ordinaryong tao , artista at ibang bansa ay makikita natin ang pagkakaisa para mabigyan sila ng pag-asa.