Martes, Setyembre 24, 2013

Ang autoridad .

Ano nga ba ang autoridad ? sa gobyerno ay ito ay ito ang nagsisilbing lakas upang makapag impluwensya sa ating mga mamamayan kung ano ang mga bagay na kailangan natin sundin at kung sino man ang lalabag o magkakasala rito ay kailangan itong panagutan . Sa tulong ng panuntunan ng batas na ang korte lamang ang pwedeng magpataw ng parusa sa mga kriminal .

Bilang magaaral nais kong talakayin kong paano ko nakikita ang autoridad sa pamahalaan , paaralan , lipunan at pamilya ang ibig sabihin ng autoridad .

Autoridad sa pamahalaan base sa aking mga nakikita ay sa tulong ng mga tagapaghukom ay kung sino man ang mapatunayan gumagawa ng di magandang gawain sa ating bansa ay napapatawan ng pagkakakulong katulad nalamang ng isyu tungkol sa napabalitang Pork barrel queen na si Janet Lim Napoles na napatunayang nag aako ng 10 B at may mga kasamahan pa siya na may kinalaman sa isyu na ito .

Autoridad sa paaralan base sa aking nakikita ay ang mga titser ang nagsisilbing autoridad sa paaralan na kung hindi gumawa ang estudyante ng kanilang mga proyekto ay may karampatang itong parusa na dapat ito ay disiplinahin sa tulong ng pagbibigay ng payo upang pag igihan sa susunod na kwarter .

Autoridad sa lipunan base sa aking nakikita ay ang mga pulis ang nagsisilbing autoridad sa lipunan na kung sino man ang mapatunayang may ginawang krimen ay ito rin ay maaaring ikulong at ang pulis ang nagsisilbing gabay natin upang tayo ay laging maging ligtas kapag tayo ay sumunod sa kanila ay hindi tayo mapapahamak.

Autoridad sa pamilya base sa kaing nakikita ay ang ating mga magulang ang nagsisilbing autoridad sa ating tahanan dahil kung may nilabag ka man sa pinaguutos nila ay maari ka namang mapagalitan .


Bilang magaaral sa madaling salita ay napapakita ko ang ibig sabihin ng autoridad sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila dahil sila ang ating lider at di dapat tayo lumabag sa kung anung batas ang kanilang ipapapatupad dahil ito rin ay para sa ating ikakabuti bilang isang mamamayan .




1 komento: