Sabado, Oktubre 5, 2013

Ang Aking Bayani ay ang aking INA .


 Para sa akin ang bayani sa aking buhay ay ang aking ina . Sapagkat mula palang nung ako'y nasa sapupunan pa lamang niya ay binuhos niya lahat ng pagmamahal para sa akin . 

At habang ako ay nagsisimula ng magaral ay andiyan siya para gabayan ako sa aking pagpasok hinahatid niya ako sa eskwelahan upang mapanatili akong ligtas . Lagi niya akong pinapayuhan na mag iingat at kung meron mang nag aaway ay wag akong makikisali dahil baka ako daw ang paginitan . Ramdam ko sa mga sinasabi niya ang pag aalala niya sa akin . Noong  nag 1st Year Highschool ako ay di namin inaasahan na mamamatay ang aking ama at naiwan kaming tatlong magkakapatid at ang aking ina . Nagsumikap ang aking ina magtrabaho .  naghanap siya ng pwesto para may pagkakitaan at unti unti kaming naitaguyod di rin ito nagtagal dahil nagtataas na ang tuition fee ni ate kaya napagisipan ni mama na ilipat ako ng eskwelahan at sa G.E.A.N.H.S napagisipan nung una ay mahirap sa akin ang paglipat ko noon dahil baguhan lamang ako at wala pang mga kakilala pero ng ngatagal ay masaya pala makisama sa magaaral doon .

 Nagpapasalamat ako sa aking ina dahil di siya sumuko upang itaguyod kami kaya hiling ko ay makapagtapos ako ng pag aaral at makapagtrabaho upang masuklian ko ang lahat ng sakripisyo na ibinigay niya sa amin na magkakapatid . Siya ang bayani na nagtaguyod , nagaruga at nagmamahal ng lubos kailanman ay hindi siya humingi ng kapalit sa mga bagay na iginagawa niya para sa amin ang nais lamang niya ay kami ay makapagtapos para magkaroon kami ng magandang buhay hiling ko para sa kanya ay maging masigla siya at huwag susuko sa mga darating na pagsubok sa amin . . 

1 komento: